A community gathering together with hope after a fire.

Help My Families

Help Our Families Rise Again After the Fire — Even Small Acts of Kindness Can Rebuild Lives and Spark Hope

Donate Now

Isang Trahedya sa Gabi ng Sabado

Sa gabi ng isang tahimik na Sabado, Setyembre 13, 2025, isang malawak at mapaminsalang sunog ang sumiklab sa simpleng ngunit masiglang komunidad ng Barangay 105, Happyland, Tondo, Maynila. Nagsimula ito pasado alas-8 ng gabi (8:00 PM) at tumagal ng halos 10 oras bago tuluyang ideklarang "fire out" noong Linggo ng umaga, Setyembre 14, 6:02 AM.

🔥 Tagal ng Sunog: Halos 10 oras

📍 Lokasyon: Barangay 105, Happyland, Tondo, Maynila

📅 Petsa: Setyembre 13–14, 2025

Bagaman napuksa na ang apoy, ngayon pa lamang nagsisimula ang tunay na pagsubok para sa aming mga kapitbahay. Marami ang nawalan ng lahat—kanilang mga tahanan, mga gamit, at ang pakiramdam ng seguridad at kapanatagan.

Kabilang sa mga lubos na naapektuhan ay ang aking mga mahal sa buhay—magulang, kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan. Ang kanilang pagdadalamhati ay akin ding pagdadalamhati.

Sa gitna ng trahedyang ito, Ako po si Jefferson Talavera ay kumakatok sa inyong mga puso. Anumang uri ng tulong—pagkain, tubig, gamot, rechargeable flashlight, solar-power flashlight, o pinansyal na suporta—ay lubos na makatutulong sa muling pagbangon ng aking pamilya, kamag-anak, kapatiran sa panginoon (churchmate).

🙏 Maliit na tulong, malaking pag-asa. Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa. Sa panahon ng pagsubok, ang pagkakaisa at pagtutulungan ang tunay na lakas ng isang komunidad.

"Pagpalain nawa kayo ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa. Puspusin nawa niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." - Roma 15:13

How Your Donation Will Be Used

We value honesty and compassion. Your donation will go directly to helping those most affected—starting with my family, relatives, and loved ones. If support exceeds immediate needs, we will extend help to friends, churchmates, and others in our community who are also in need. Every contribution, no matter how small, makes a meaningful impact.

Buying of House Materials

Sourcing and purchasing essential construction materials like wood, roofing, and cement to rebuild homes from the ground up.

Salary for Workers

Compensating skilled laborers who are dedicating their time and effort to help with the rebuilding process.

Sharing with Other Families

Distributing surplus materials to other affected neighbors and friends in the community, extending the reach of your donation.

Maraming Salamat Po!

Your kindness and generosity bring a ray of hope to our community in these trying times. On behalf of all the families you've helped, we extend our deepest gratitude. You are not just rebuilding homes; you are restoring hope.